Buod ng Kwento




Ang kwentong ang “Mensahe ng Butil ng Kape" ay isang representasyon ng ama upang magkaroon ang kanyang anak ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap. Ang anak ay nabigyang kaliwanagan ng kanyang ama sa pamamagitan ng naging reaksiyon ng carrot, itlog at butil ng kape na inilahok sa magkakaibang palayok na may kumukulong tubig.

Ang carrot na dati’y matigas ay lumambot matapos mailahok sa kumukulong tubig. Ito ay kumakatawan sa kahinaan at sa mga taong pinanghihinaan ng loob matapos mabigyan ng pagsubok. Ang itlog na dati’y mayroong puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Ito naman ay nagpapaalala lamang sa atin sa mga taong nagiging matigas ang kalooban matapos harapin ang pagsubok na siyang nagiging resulta rin ng hindi nila paggagawad ng kapatawaran. Samantala, ang butil ng kape nang mailahok sa kumukulong tubig ay nalusaw ngunit ito nama’y naging isang karagdagang sangkap na nagpatingkad sa kulay ng tubig.

Ayon sa ama, ang kumukulong tubig ay sumisimbolo sa mga pagsubok at suliranin sa buhay. Sa tatlong iyon ay pinapili niya kung alin sa kanila ang kumakatawan sa kanyang anak. Nakangiting sumagot ang anak na siya raw ay magiging isang butil ng kape.


8 comments:

  1. thank you po at least may makukuha akong makakatulong saakin kahit maliit na bagay lang po thank you po ulit

    ReplyDelete
  2. Thank you po dito. Really need ko to kase wala na talagang pumapasok sa isip ko kung paano ko ibubuod yung storya.

    ReplyDelete
  3. Salamat subalit Wala ang itlog?

    ReplyDelete
  4. ano ang paksa ng kwentong ito?

    ReplyDelete