Repleksyong Papel


Matapos kong basahin ang kwento, naisip ko ang kahalagahan ng pagsisikap ng ating mga magulang para sa kapakanan natin na kanilang mga anak. Hindi man nila tayo inoobliga na gumawa o magtrabaho dahil sa ating murang edad, binibigyan naman nila tayo ng halimbawa upang tayo mismo ang magdesisyon para sa ating sariling pag-unlad. 

Ang “Mensahe ng Butil ng Kape” ay patotoo na ang isang tao anuman ang katayuan niya sa buhay may kakayahang magbigay ng ilaw o liwanag sa ibang tao. Ito ay sa pamamagitan lamang ng kanyang malinis na puso, katulad sa isang magsasaka na hindi alintana ang init ng araw, lamig ng ulan at putik sa paa na ilan lamang sa mga balakid tulad sa kumukulong tubig sa kwento para makatulong sa mas nakararaming kababayan. 

Gayundin ang isang kabataang tulad ko. Maraming balakid tulad ng kakulangan sa karanasan ngunit sa kabila nito, makakatulong pa rin ako sa ibang tao sa pamamagitan ng pagiging isang mabuting halimbawa sa ibang kabataan. Maaaring sa pamamagitan ng pagpapaunlad ko ng angking kakayahan at talento ay makatulong ako sa iba.


0 comments:

Post a Comment